Monday, March 30, 2009

Bakit ako?



Madalas parin sumanggi sa aking isipan ang tanong na "Bakit ako?". Handa akong tanggapin kung ano man ang naisin ng Panginoon na patunguhan ko. Kung ang ibig-sabihin nito ay ang buong buhay at oras ko, nais ko tugunan ang Kanyang tawag. Ngunit sa ngayon, inihahanda ko pa ang aking sarili.

Sa paglipas ng panahon, habang hinihintay ko ang nakatakdang oras, itinatanong ko parin sa aking sarili kung bakit kaya ako. Hindi naman sa ako'y umaangal na bakit ako. Itinatanong ko lamang kung bakit ako dahil sa tingin ko'y napakabanal ng bokasyong ito para sa isang makasalanang tulad ko. Bilang isang ordinaryong tao, ako'y nagkakasala, mahina, nagkukulang.

Nahihya ako sa Diyos at sa sarili ko sa mga panahon na ako'y nakagagawa ng kasalanan. Iniisip ko na "Ako ba talaga ang tinatawag ng Panginoon, ang makasalanang ako?"

Siguro nga, hindi talaga natin alam ang mga paraan ng Diyos. Mahirap intindihin ngunit ang lahat ng ito'y may magandang layunin at dahilan.

Kung bakit ako ay hindi ko alam. Ngunit ito ang aking nalaalaman: Lahat ng nangyayari ay may kadahilanan.

Wednesday, March 18, 2009

Here I am, Lord



Here I am Lord
I've come to do your will
make of me what pleases you
here I am, here I am Lord

You called my name
and beckoned me to come
before you now I stand
to listen to your word.

Here I am Lord
I've come to do your will
make of me what pleases you
here I am, here I am Lord

You spoke the words
of everlasting love
if I shall turn from you
to whom would I run